Huwebes, Marso 3, 2016

Team Kenneth



Nagsimula sa Panahon ng Yelo
                                    (Nagmula sa nobelang Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin Yapan)

      Awtor : Alvin V. Yapan

      Mga Tauhan : Nene ; Selya ; Isko ; Boboy ; Mr. Edwards

      Pinangyarihan : Sa bayan ng Sagrada sa Camarines Sur

Buod ng Kwento:
   
                Pagkagising ni Boboy ay agad na niyang hinanap ang kaniyang ina sa kaniyang tiyo. Sumusulat sya paminsan-minsan kay Boboy pero walang address na nakalagay. Ikinuwento nya sa akin ang tungkol sa snow. Ang snow at ang Pasko. Isang malamig na Pasko. Ang mga himig ng malalamig na kantang "White Christmas."
               Dahil wala pang iba noon ang may refrigerator sa lugar nila. Palaging nauubos ang benta ni Nene na yelo. Hanggang sa may mga kapitbahay na siyang gumaya sa benta niya ay agad siyang lumikha ng panibagong benta at iyon ay ang ICE TUBIG. At hindi pa din maiiwasan na manggaya ang mga kapitbahay ay lumikha ulit sya ng panibagong ibebenta at kaniya itong tinawag na ICE CANDY. Dahil nga ginagaya na siya ng kaniyang mga kapitbahay. Ay nag-alaga na lamang si Nene ng mga baboy at manok hanggang ito ay kaniyang naparami niya. Hanggang sa nagreklamo na si Selya dahil tuwing mainit ang panahon kahit na mayaman sila sa yelo ay hindi mapawi-pawi ng kaniyang abaniko ang baho ng dumi ng manok at baboy. Si Selya na ang mismong nagpahinto ng negosyo ni Nene.
              Nagtayo si Nene ng isang sari-sari store mula sa kaniyang kinita sa babuyan at manukan. At ang sari-sari store na ito ay naging isang botique na.
              Ito ang kwento ni Nene na natuto na ring manggaya.

 Aral :
    
         Karamihan sa mga Pilipino ay mga manggagaya. Samantalang ang iba naman ay may taglay na pagkamalikhain.




                      SALAMAT PO!!!!!


                                                 By: Team KENNETH :)